
(via mackyyy)
There are many things that we would throw away if we were not afraid that others might pick them up. - Oscar Wilde

Popoy: Ano ba ang pinagkakaganyan mo? Dahil pinupuna ko yung mga designs mo?
Basha: Hindi masama yung loob ko. Okay nga lang ako.
Popoy: Ayan ka na naman…
Basha: Ano na naman ako!
Popoy: Ayan, ganyan. Sasabihin mo walang problema pero meron naman pala.
Basha: Wala naman talaga e.
Popoy: Bash! Pano ko maaayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam?
Basha: Poy, hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me hindi mo gustong malaman kung ano yung problema ko.
Popoy: E ano nga kasi ang problema?
Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako ang problema! Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko… kasi ako yung humiling nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko na lang sabihin sayo na… masaya ako para sayo. Para sa inyo. Sana kaya ko… Sana kaya ko. Pero hindi e. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong… sana ako pa rin… ako na lang… ako na lang ulit.
Popoy: Mahal ko si Trisha.
Basha: Alam ko. Alam ko…
Popoy: She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng yon.
Basha: Popoy, yan ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.
![reneeespenilla:
arianesantos:
Trisha: Poy, walang madaling paraan para gawin to… kasi ang sakit na. Sabihin mo na lang yung totoo. Please… Mahal mo ba ko? Popoy: Trish, alam mong mahal kita… Trisha: Mahal mo ba siya? Popoy: Hindi ko kayang makita kang nasasaktan… Trisha: [closes Popoy’s eyes] Para kung masaktan man ako, hindi mo makita. Mahal mo pa ba siya? Popoy: I’m so sorry… Trisha: Gusto mo na bang tapusin to? Popoy: Mapapatawad mo pa ba ko?](http://27.media.tumblr.com/tumblr_kxj40g7imV1qzscqxo1_500.jpg)
Trisha: Poy, walang madaling paraan para gawin to… kasi ang sakit na. Sabihin mo na lang yung totoo. Please… Mahal mo ba ko?
Popoy: Trish, alam mong mahal kita…
Trisha: Mahal mo ba siya?
Popoy: Hindi ko kayang makita kang nasasaktan…
Trisha: [closes Popoy’s eyes] Para kung masaktan man ako, hindi mo makita. Mahal mo pa ba siya?
Popoy: I’m so sorry…
Trisha: Gusto mo na bang tapusin to?
Popoy: Mapapatawad mo pa ba ko?

Popoy: Bash, ganon mo ba talaga kagusto lumayo sakin para gawin mo pa to?
Basha: Not everything is about you, Popoy.
Popoy: Then why are you doing this?
Basha: Dahil ito ang gusto ko.
Popoy: Pero pano tayo? Pano ang mga pangarap natin? Basha, yung kasal? Akala ko ba walang magbabago? Basha… Paano na tayo?
Basha: Wala nang tayo, Popoy.
Popoy: Ganon lang yon? Bash, five years! Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ako pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to?
Basha: I already gave five years of my live, Poy. It’s about time you give me what I want.
Popoy: But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo… mawala ka sa buhay ko. Bash naman… Bash, kahit mahirap, ayusin natin to. If this is about me being too controlling… and boring… alam mo naman na sinusubukan ko, diba? Bash, wait… sandali, sandali lang… alam nating pereho na madaling sumuko, pero hindi ka ganon.
Basha: Kailangan ko to. Kailangan mo rin.
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko. Bash… Basha, please.classic!

Basha: Litung-lito na ko e. Di ko na alam gagawin ko. I need your expert opinion. Si Popoy kasi e…
Mark: Popoy? E kailan naman ako naging expert kay Popoy?
Basha: Lalaki ka. Tsk. Anyway, Mark, kasi kanina nagpunta kami kela Kenneth. Hindi man lang niya ako sinigawan.
Mark: O, isn’t that good?
Basha: Ang bait-bait pa nya sakin kanina. Tapos chinika-chika pa nya ko, bumeso-beso pa sya sakin bago sya umalis. O, bakit nya ginawa yun? Ano ibig sabihin nun?
Mark: Bakit, bawal ba?
Basha: Ugh, Mark! Mark, nandon ka nung sinigaw-sigawan nya ko! Halos patayin nya na ko nung huli kaming magkita. Nandon ka, diba? O, e anong nangyari?
Mark: O, e baka okay na siya…
Basha: Okay na siya as in hindi na siya galit sakin?
Mark: Bash, okay as in tanggap na nya na hindi na kayo magkakabalikan… kasi nakamove-on na sya.
Basha: Tingin mo?

![arianesantos:
Chinno: Hindi sa tagal yan a! Yung iba nga dyan sa hinaba-haba, sa hiwalayan din ang tuloy. Diba, Poy? [awkward silence] Pero hindi ikaw yon! Hindi rin ikaw yon, Basha!](http://30.media.tumblr.com/tumblr_kxhsftrhIQ1qzscqxo1_500.jpg)